^

Police Metro

Tricycle binangga ng truck: 2 bata patay, 6 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang magkapatid na paslit habang anim ang malubhang nasugatan matapos na salpukin ng isang dump truck ang kanilang sinasakyang tricycle kahapon ng umaga sa highway ng Brgy. Salvacion, Murcia, Negros Occidental.

Ang magkapatid na nasawi ay nakilalang sina Jona at Jessie Porque; pawang mga pupil sa Sta Cruz Elementary School at residente ng Brgy. Sta Cruz ng bayang ito.

Ang mga nasuga­tan na dinala sa ospital ay kinila­lang sina Janet Porque, ina ng magkapatid; Sanday Sarcino, may-ari at driver ng tricycle, misis nitong si Maria Jenny Sarcino, anak na si John Mark at dalawa pang bata na hindi natukoy ang pangalan.

Batay sa ulat, bandang alas-6:45 ng umaga ay patungo sa kabayanan ng Murcia upang dumalo sana sa kapiyestahan ng Immaculate Concepcion ng nasabing bayan  ang mga biktima nang pumutok  ang gulong na naging dahilan para ito ay  magpaekis-ekis ng takbo hanggang sa tuluyang nabangga ng kasalubong na dump truck na may  kargang buhangin.

 

vuukle comment

BRGY

IMMACULATE CONCEPCION

JANET PORQUE

JESSIE PORQUE

JOHN MARK

MARIA JENNY SARCINO

MURCIA

NEGROS OCCIDENTAL

SANDAY SARCINO

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with