^

Police Metro

Maid na kasabwat ng ‘Dugo-dugo’ gang pinaaresto ng amo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa may hinala ang isang among babae na kasabwat ng kanyang katulong ang isang miyembro ng “Dugo-dugo” gang nang ibigay nito ang may isang milyong halaga ng pera at mga alahas kaya’t ito ay ipinaaresto sa mga pulis.

Pinipigil ngayon sa Manila Police District-Theft and Robbery Section (MPD-TRS) ang katulong na si Estrella Castillo, 44, ng Dasmariñas, Cavite, stay-in sa Unit 901 Echelon Tower Mabini St., Malate.

 Ayon kay PO2 Jupiter Tajonera, dawit bilang accomplice sa kaso si  Castillo   dahil sa pakikipagtransaksiyon  at pagbibigay ng pera at alahas ng kanyang among si Carissa Gel sa isang suspek na miyembro  ng nasabing grupo.

Duda umano ang pulisya sa pahayag ni  Castillo na hindi niya alam ang kanyang ginawa lalo pa at hindi na siya menor de edad   upang  magkamali.

Paliwanag ng maid, may tu­ma­wag sa kanya at sina­bing nasa presin­to ang kanyang amo nakaaksiden­te at kailangan ng pera.

Nakausap umano nito ang amo at inutu­san siyang kunin ang pera sa vault, saka dalhin sa Ospital ng Tondo.

Pinapalitan din aniya  ang  kanyang SIM card ng Globe para maging maayos ang kanilang transaksiyon ngunit pagdating niya sa nabanggit na ospital ay pinapunta naman daw siya sa harap ng simbahan ng kung saan siya sinalubong ng isang lalaki.

Pagkakuha sa kanya ng mga alahas at salapi na ibinalot sa makapal na tela ay sinabihan siya ng lalaki na maghintay doon, subalit makaraan ang kalahating oras ay sinabihan daw siya ng lalaki na umuwi na at susunod na ang kanyang amo.

Pagdating ni Gel sa bahay ay nagulat ito at nagkalat ang kanilang gamit kaya nang dumating ang  katulong ay agad niyang ipinadampot sa pulis.

 

 

AYON

CARISSA GEL

CAVITE

DAHIL

DASMARI

ECHELON TOWER MABINI ST.

ESTRELLA CASTILLO

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with