Lady trader ginahasa ng 2 kainuman
MANILA, Philippines - Nilasing muna ng dalawang lalaki ang kainuman nilang babaeng negosyante bago nila ito pinagtulungang gahasain kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.
Subalit, bago tuluyang makatakas ang dalawang suspek ay agad itong naaresto ng mga otoridad na nakatanggap ng tawag mula sa Dial 117 ng Philippine National Police (PNP).
Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Jonathan Balmores at Jomar Magno, na inireklamo ng panghahalay ng kanilang biktima na itinago sa alyas na “Farah”, ng Parañaque City.
Sa imbestigasyon, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang halayin ang biktima sa bahay ng isa sa mga suspek sa Lot 6, Block 16 San Diego St., Metrocor Homes Talon 5, Las Piñas City.
Nakipag-inuman umano ang biktima kina Balmores at Magno at nang ganap na malasing ay halinhinang ginahasa ng dalawang suspek.
Matapos na makaraos, nagawang makatawag ng biktima sa kanyang nobyo na siya namang agad na tumawag sa Emergency 117.
Mabilis na inalerto ng Emergency 117 ang Police Community Precinct- Talon 5 na rumesponde sa lugar ng krimen na naging dahilan sa pagkakadakip ng dalawang suspek at pagkakasagip sa biktima.
Nakatakdang sampahan ng kasong panggagahasa sa Las Piñas Prosecutor’s Office ang mga suspek.
- Latest