Shooter dinakip sa mga piyesa ng baril
MANILA, Philippines - Bagama’t may lisensiya ang dalang baril ay inaresto pa rin ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang shooter dahil sa pagdadala ng mga piyesa ng mga baril na walang kaukulang permit o dokumento kahapon ng umaga.
Kinilala ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang suspek na si Clint Obusan Pardo, may sapat na gulang at umano’y sasali sa shooting competition na gaganapin sa Ilocos.
Base sa report na natanggap ni Biazon, si Pardo ay nanggaling sa Los Angeles, California, sakay ng PR 103 at dumating kahapon ng alas-5:30 ng umaga sa Terminal 2, NAIA.
Habang nagsasagawa ng inspection ang pinagsanib na pwersa ng BoC, NAIA at National Bureau of Investigation, Interpol ay dinakip ang suspek nang makita ang mga piyesa ng mga baril tulad ng isang pirasong upper receiver ng M-16, 23 pirasong barrel ng for 1911 caliber 40 at 6 na pirasong slide na walang permit kaya’t idineklarang illegal.
- Latest