^

Police Metro

Babala ng MMDA ngayong Kapaskuhan… Pekeng traffic enforcers nagkalat

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaasahang nagkalat ngayon para rumaket sa mga lansangan ngayong papalapit ang Kapaskuhan ng mga pekeng traffic enforcers.

Ito ang naging babala kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino makaraan siya mismo ang  nakahuli ng pekeng enforcer nitong Linggo ng gabi sa may Gil Puyat flyover malapit sa Roxas Boulevard, Pasay City. 

Patungo si Tolentino sa isang “speaking engagement” sa Maynila nang parahin siya ni Edwin Vicentino, na nakasuot ng “Type B uniform” at lumang identification card dahil sa inimbentong bayolasyon.

Nagulat na lamang si Vicentino nang bumulaga sa kanya si Tolentino na personal na humuli sa suspek. 

Ayon kay Tolentino, hindi na nagre-report sa kanyang duty si Vicentino mula pa noong Nobyembre 2011 kaya naman tinanggal na ito sa listahan ng mga opisyal na traffic enforcers ng ahensya.

Bukod sa mga pekeng traffic enforcers, binalaan rin ni Tolentino ang mga regular na enforcers na maaaring manamantala sa mga motorista ngayong Kapaskuhan.  Kailangan umano ng MMDA ang pakikipagtulungan ng publiko sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga bulok na traffic enforcers na sangkot sa iligal na operasyon sa kanilang Metrosolusyon website.

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

EDWIN VICENTINO

GIL PUYAT

KAPASKUHAN

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY CITY

ROXAS BOULEVARD

TOLENTINO

TYPE B

VICENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with