^

Police Metro

Urban group nagtatag ng ‘Koalisyon Kontra Buwis-it’

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Koalisyon Kontra Buwis-it” (KKB) na ang la­yunin ay labanan ang mga nais ipataw na dagdag na buwis sa ‘balikat’ ng mga naghihikaos na mamamayan sa bansa ang itinatag ng Urban Poor group na Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML).

Sinabi ni Pedring Fadrigon, pambansang tagapa­ngulo ng KPML, hindi sila tutol sa buwis dahil alam naman nila na ob­li­gasyon ito ng isang ma­mamayan para tustusan ang mga programa ng pamahalaan pero ang mas dapat umanong pumasan sa pagbubuwis ay ang mga mayayaman at hindi ang mga mahihirap na mamayan.

Kabilang sa mga buwis-it na tinututulan ng KKB ay ang mga buwis na nakakarga sa presyo ng mga batayang panganga­ilangan gaya ng EVAT, at “Text Tax” na panukala ng International Monetary Fund (IMF)”.

Kaya umapela sila kay Pangulong Aquino na bigyan ng maagang pamasko ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagpapatigil ng bagong sistema ng pagbubuwis at huwag magpasulsol sa IMF na sinasabing walang malasakit sa mga maghihikahos na mamamayan.

Nais lamang umano ng IMF na madagdagan ang pondo para sa debt servicing at debt payments sa bansa.

 

vuukle comment

INTERNATIONAL MONETARY FUND

KABILANG

KAYA

KOALISYON KONTRA BUWIS

MARALITANG LUNGSOD

PANGULONG AQUINO

PEDRING FADRIGON

TEXT TAX

URBAN POOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with