^

Police Metro

Pagtaas SA presyo ng langis umariba

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nagustuhan ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang paniba­gong pagtataas ng presyo ng gasolina kahapon ng umaga at noong na nakalipas na linggo.

Umaabot sa P1.15 kada litro ang  itinaas na presyo sa premium at unleaded gasoline, samantalang 70 cents sa diesel habang 25 cents naman ang itinaas na presyo ng  kerosene.

Binigyang diin ni Goerge San Mateo, natio­nal president ng Piston, ang bagong oil price hike ay matagal na nilang inaasa­han makaraang maipatupad ng mga higanteg kumpanya ng langis ang pagbaba ng presyo ng gasolina na pampalubag loob lamang.

Ayon kay San Mateo na nagpapakitang tao lamang ang oil companies na magbaba ng halaga ng produktong petrolyo ng 50 sentimos, pero susundan naman ito ng taas na P1.00 kada litro na kung susumahin ay mas mataas pa sa halaga  ng ibinaba nila.

Ang pagtatataas ay resulta ng pagdidikta umano ng mga big oil cartel sa Department of Energy habang walang ginagawang hakbang  ang mga mambabatas para mapigilan ito o kayay ma­amyendahan ang Oil Deregulation Law.

AYON

BINIGYANG

DEPARTMENT OF ENERGY

GOERGE SAN MATEO

OIL DEREGULATION LAW

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

SAN MATEO

TSUPER

UMAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with