^

Police Metro

83-anyos na mag-asawa pinagbabaril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA,Philippines - Magkasamang nasawi ang isang mag-asawang matanda matapos na sila ay pagbabarilin sa loob ng kanilang silid ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan na puwersahang pumasok sa kanilang bahay  sa Brgy. Guadalupe, Carcar City, Cebu.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Renerio Neri at misis nitong si Dolores; kapwa 83-anyos, kapwa negos­yante na nagmamay-ari ng 9 pampasadang jeep­ney at malawak na lupain.

Sa ulat ng Carcar  City Police, pasado alas-4:15 ng hapon nitong Nob­yembre 18 nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Sanggi, Brgy. Guadalupe ng lungsod.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang alitan sa lupa at pagnanakaw ang motibo ng pamamaslang sa mag-asawang matanda.

Sa pahayag ng mga ka­pitbahay ng mag-asawa sa mga otoridad, nagtataka umano sila kung bakit hindi lumalabas ng kanilang bahay ang mag-asawa kung kaya’t napilitan silang mag-usisa at laking gulat nila ng makitang duguan ang mga itong nakabulagta sa kanilang silid.

Posibleng anya noong Biyernes pa ng gabi o noong Sabado ng mada­ling-araw naganap ang pamamaslang.

vuukle comment

BIYERNES

BRGY

CARCAR

CARCAR CITY

CEBU

CITY POLICE

GUADALUPE

KASALUKUYAN

RENERIO NERI

SITIO SANGGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with