^

Police Metro

Taxi driver na rapist nadakip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkalipas ng pitong araw ay naaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isang taxi driver na itinuturong gumahasa sa kanyang 19-anyos na dalagang pasahero noong Nobyembre 12 sa may C6 Road, ng lungsod.

Ang suspek ay naki­la­lang si Jonar Ibanez, 38, ng no. 18 Angeles Compound, Tunasan, Ta­guig City. 

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Angeli, estudyante, su­makay siya sa taxi na minamaneho ng suspek noong gabi ng Nobyembre 12 buhat sa bahay ng kanyang kaibigan sa BF Homes, Parañaque at nag­pahatid sa kanyang bahay sa South Signal Village, Taguig.

Habang binabagtas ang C6 Road ay itinabi ng suspek ang taxi sa tago at madilim na bahagi ng kalsada at ginahasa ang biktima. 

Wala umanong naga­wa ang biktima dahil sa pagbabanta sa kanyang buhay ng suspek na mata­pos makaraos ay tinangay pa ang kanyang pera at iba pang mahahalagang gamit bago ibinaba sa isang lugar sa Taguig kung saan nakauwi ang biktima at agad na sinabi sa pamilya ang naganap sa kanya. 

Ang suspek ay naha­ha­rap sa mga kasong pa­ng­gagahasa at robbery.

vuukle comment

ANGELES COMPOUND

ANGELI

HABANG

JONAR IBANEZ

NOBYEMBRE

PAGKALIPAS

SHY

SOUTH SIGNAL VILLAGE

TAGUIG

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with