^

Police Metro

Bata ng ex-pagcor chief nakatangay ng $5-M sa isang casino project

Angie dela Cruz, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa may $5 milyon halaga mula sa isang casino project ang nata­ngay ng umanoy close associate at dating consultant ni dating Philippine Ga­ming Corp. (PAGCOR) Chair Efraim Genuino na si Rodolfo Soriano.

Ito ay batay sa isang exclusive report ng Reu­ters ka­ugnay ng ginawang pag- imbestiga ng US ga­ming regulators sa milyong dolyares na naibayad ng affiliates ng Japanese billionaire na si Kazuo Okada ng Universal Entertainment Corporation (UEC) kay Soriano noong panahon na ang kumpanya ni Okada ay naglala-lobby para manalo ang concessions sa $2-bil­yon casino sa Manila Bay, Philippines.

Ang UEC ang sinasa­bing nagbayad ng $5-mil­yon noong May 2010 kay Soriano batay sa pagbusi­si na ginawa ng Reuters sa  bank records, corporate filings, court documents at records mula sa mga UEC staff.

Sinasabing ang $5-mil­yon halaga ay ibinayad sa pamamagitan ng isang shell company sa Hong Kong  na  bahagi ng  $40 milyon na nai-transfer ng  Universal’s US affiliate Aruze sa USA na kasalukuyang binubusisi ng mga imbestigador.

Sinasabing ang document trail na nakakonekta kay Soriano para sa ibinayad na $5-milyon ay hindi agad naiulat.

Sinabi naman ni  PAGCOR legal counsel Jay Santiago na ang bagong pagbubunyag ay mala­king tulong sa ahensiya upang higit na mapalakas  ang kasong plunder na naisampa nila kay Genuino at mga  tauhan nito.

Si Genuino ay nagbi­tiw noong Hunyo 2010 habang si Soriano ay sumu­nod na nagbitiw bilang con­sul­tant.

Samantala, sinabi na­man ng Palasyo na puwe­deng kan­selahin ng PAGCOR ang kontrata ng UEC ni Okada sa sandaling matuklasan na nakakuha ito ng kontrata sa pamamagitan ng ‘bribery’.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda matapos makausap niya si PAGCOR chairman Cristino Naguiat, pero iimbestigahan muna ng PAGCOR ang ulat na sinasabing ang da­ting consultant na si Soriano ay tumanggap ng $5 milyong suhol mula sa Okada firm para mapagwagian nito ang $2-bilyon casino deal sa Manila Bay.

CHAIR EFRAIM GENUINO

CRISTINO NAGUIAT

HONG KONG

JAY SANTIAGO

MANILA BAY

OKADA

SHY

SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with