Mag-ingat sa noche buena products – FDA
MANILA. Philippines - Nagpalabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na mag-ingat at maging mapanuri sa pagbili ng mga handa sa noche buena ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.
Ayon kay FDA director Nazarita Tacandong, partikular na ingatan ng mga mamimili ang mga produktong walang label, at kung may label man huwag kalimutan na suriin ang expiration date.
Ingatan din umano ang mga canned goods na may yupi dahil maaring pinasok na aniya ito ng bakterya na maaring makasama sa kalusugan.
Patuloy din ang babala ng FDA sa publiko na huwag bilhin ang anim na Korean noodles na una ng pinababawi dahil sa taglay nitong chemicals na maaring magdulot ng kanser sa sinumang kumain nito.
- Latest