^

Police Metro

Inihulog sa hukay... 9-anyos DINEDO ng 11-anyos

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay sa pagkalunod ang isang 9-anyos na batang lalaki nang itulak sa isang hukay na puno ng tubig sa loob ng isang construction site matapos tumanggi ang una na magbigay ng pera sa ginagawang pangingikil ng huli, naganap kamakalawa sa Taguig City.

Patay na nang maiahon  dakong alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkules ang katawan ng biktima na itinago sa pangalang “KS”, residente ng Mini Park, Fort Bonifacio, sa malalim na hukay sa loob ng HiBuild construction area sa may 26th Street, The Fort, Fort Bonifacio, ng naturang lungsod.

Nasa kustodiya na nga­yon ng Department of Social Welfare and Development-Taguig ang suspek na itinago sa alyas na “SR”, residente ng Sta. Ana, Pateros.

Batay sa ulat, noong Oktubre 28, dakong alas-12:45 ng tanghali ay naglalaro ang biktima kasama ang isang kalaro na si alyas JB sa loob ng naturang construction site nang dumating ang suspek at isa pang hindi nakilalang kasamahang bata at kinikilan ng pera ang da­lawa.

Nang tumanggi ang da­lawa ay ginulpi sila ng suspek at kasama hanggang sa itulak ni SR ang nasa­wing si KS sa hukay na puno ng tubig habang nagawang makatakbo ng kasamahan nitong si JB.

Nagawa lamang mailahad ni JB ang nangyari sa biktima nang magtungo sa kanilang bahay ang mga magulang nito nang hindi umuwi ng dalawang araw si SR.  

Mabilis na humingi ng saklolo ang mga magulang ng biktima sa mga opisyal ng barangay at Fort Bonifacio Police Community Precinct (PCP) na siyang sumisid sa naturang hukay sa construction site kaya nagawang marekober ang bangkay ng paslit.

Nakatakdang sampahan ngayon ng kasong sibil ng mga magulang ng nasa­wing paslit ang mga magulang ng suspek na bata habang inaalam kung may kapabayaan ang operator at may-ari ng construction site.

vuukle comment

BATAY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT-TAGUIG

FORT BONIFACIO

FORT BONIFACIO POLICE COMMUNITY PRECINCT

MABILIS

MINI PARK

MIYERKULES

NAGAWA

NAKATAKDANG

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with