^

Police Metro

Sundalo utas sa bakbakan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang sundalo matapos makasagupa ang tinatayang may 30 miyem­bro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa  naganap na bakbakan sa bayan ng Matuguinao, Samar, kamakalawa ng tanghali.

Sinabi ni Captain Gene Orense, Spokesman ng Army’s 8th Infantry Division, bandang alas-12:10 ng tanghali ng makasagupa ng peace and development team ng 81st Division Reconnaissance Company ang grupo ng mga rebelde sa Brgy. del Rosario, Matuguinao.

Ayon kay Orense, kasalukuyang nagsasagawa  ng security operations ang tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar nang paputukan ng mga rebeldeng komunista na nauwi sa bakbakan.

Tumagal ng halos isang oras ang barilan na ikinasawi ng isang sundalo na tumanggi munang tukuyin ng opisyal ang pangalan dahil kailangan pang impormahan ang pamilya nito.

Ang mga rebelde ay mabilis na nagsitakas bitbit ang hindi pa madeterminang bilang ng mga nalagas nilang kasama.

vuukle comment

AYON

BRGY

CAPTAIN GENE ORENSE

DIVISION RECONNAISSANCE COMPANY

INFANTRY DIVISION

MATUGUINAO

NEW PEOPLE

ORENSE

SAMAR

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with