Among babae pinatay at pinagnakawan ng katulong
MANILA, Philippines - Tinadtad ng saksak ang isang among babae ng kanyang katulong na babae habang ito ay mahimbing na natutulog sa kuwarto ng kanyang bahay sa Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.
Namatay noon din ang biktima na si Solina Viray, 40, dalaga, na nakatira sa Barangka Drive sa lungsod. Habang nasugatan ang lola nitong si Solina na si Milagros Viray, 81-anyos na isinugod sa Victor Potenciano Memorial Center.
Pinaghahanap naman ang suspek na si Oranesa Bogcalao, tubong Calabanga, Camarines Sur.
Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw ay pinasok ng suspek ang kuwarto ng kanyang amo at agad na pinagsasaksak habang ito ay mahimbing na natutulog saka kinuha ang hindi
pa batid na dami ng pera.
Nagising naman ang matanda habang papalabas ng kuwarto ang suspek kaya pinagsasaksak din ito.
- Latest