3 kaalyado ng NPA rebels napatay sa bakbakan

MANILA, Philippines - Napatay ang tatlong lalaki na wanted sa batas at umano ay kaalyado ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang tropa ng sunda­lo kahapon ng umaga sa Brgy. Kimlawis, Kiblawan, Davao del Sur.

Batay sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang magresponde ang mga sundalo sa lugar dahil sa presensya ng mga armadong bandido nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagtatago ng armadong grupo ng wanted na si Daguil Capion, may warrant of arrest sa samu’t saring kasong kriminal.

Tumagal ng halos 30 minuto ang bakbakan na iki­nasawi ng tatlo na mga wanted sa batas na ayon sa opisyal ay kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan. Wala namang iniulat na nasugatan at na­sawi sa panig ng tropa ng militar sa naganap na bakbakan.

 

Show comments