^

Police Metro

Gloria hospital arrest uli

Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkaka­taon ay muling na-hospital arrest si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kanyang karamdaman.

Magugunita na unang na-hospital arrest si Gng.Arroyo sa kasong electoral sabotage na nakulong ng ilang buwan bago nakalaya dahil sa piyansa at sa ikalawang pagkakataon na pagkakulong uli sa nasabing ospital sa kasong plunder na may kaugnayan sa PCSO fund scam.

Ipinagpasalamat naman ng kampo ni Gng.Arroyo ang pagpayag ng Sandiganbayan sa kahilingan ng kampo na huwag nang ilagay sa selda upang mabantayan at masubaybayan ang sakit ng dating pangulo.

Hindi na rin tumutol ang panig ng prosecution sa kahilingang ito ng kampo ni Arroyo bilang humani­ta­­rian consideration sa kasalukuyang kalusugan ng dating Pangulo.

Sinabi ni Atty. Renato Bocar, spokesman ng Sandi­ganbayan kabilang sa mga kondisyon na ipinataw ng First Division ay kailangang manatili lamang sa VMMC ang pasyente at mahigpit na ipinagbabawal din ang anumang uri ng panayam ng media. – Angie dela Cruz,

vuukle comment

ANGIE

CRUZ

FIRST DIVISION

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

GNG

IPINAGPASALAMAT

MAGUGUNITA

PAMPANGA REP

PANGULO

RENATO BOCAR

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with