^

PM Sports

Gilas ibubuhos sa Malaysia ang training

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na magdaraos ang Gilas Pilipinas ng training camp dito sa bansa at sa halip ay sa Malaysia na lahat titipunin ang 12-man roster para sa Window 5 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Nobyembre 27 hanggang 29 sa Seremban City.

“We will not. We could have a practice but it would be with three or four pla­yers. It doesn’t make sense for us practicing with three or four players,” ani Cone na sa Kuala Lumpur na makakasama ang buong koponan.

Sa ngayon kasi ay 4 na manlalaro lang sa katauhan ng 4 na PBA players na sina Scottie Thompson ng Ginebra, Juan Gomez De Liaño ng Converge, CJ Perez ng San Miguel at Chris Newsome ng Meralco ang available dahil sa isang buwang break ng PBA para suportahan ang kampanya ng Gilas kahit pa sa kasagsagan ng PBA Season 50 Governors’ Cup finals.

Ang 8 iba pang Gilas players ay naglalaro sa Japan B. League at Korean Basketball League (KBL) na sa Nobyembre 19 o 20 pa lang magkakaroon ng FIBA break habang sa Chinese Basketball Association (CBA) naman ang bagong naturalized player ng Gilas na si Bennie Boatwright.

Tanging si Dwight Ramos mula sa Japan lang ang makakauwi ng bansa nang mas maaga kaya makakasabay ng Gilas sa pag-alis papuntang Malaysia sa Nobyembre 21 habang rekta Kuala Lumpur na sina Kevin Quiambao, AJ Edu, Kai Sotto, Quentin Millora-Brown, Mike Phillips at nagbabalik na si Rhenz Abando.

Sa Nobyembre 23 naman hahabol si Boatwright mula sa China kung saan naglalaro siya para sa Fujian Sturgeons.

“We won’t have a full team Kasalukuyang may 4-4 kartada ang Gias para sa ikaapat na puwesto sa Group E at malakas din ang pag-asa sa Best Top-4 team ng parehong grupo kasama ang Group F para sa ikapito at huling World Cup ticket.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with