Converge diretso sa ika-4 sunod

Ang acrobatic shot ni Converge import Cameron Clark laban sa Macau.
PBA Image

MANILA, Philippines — Panibagong araw, pa­nibagong tambakan.

Converge naman ang ru­melyebo sa pagboldyak sa guest team Macau, 162-108, upang makatabla sa tersera puwesto ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kumaripas sa 41-19 si­mula ang FiberXers at hindi na lumingon patu­ngo sa 54 puntos na panalo kontra sa Giant Pandas na nalasap ang ikatlong tambak na kabiguan tampok ang 50 puntos o higit pa ngayong conference.

Sinundan ng Fiber­Xers ang 138-78 panalo ng NLEX at 142-87 ta­gumpay ng reigning champion TN Tropang 5G sa guest squad.

Sa kabuuan, ang 54-point win ng Converge ang ikaapat na pinakama­laki sa 50-taong kasaysa­yan ng Asia’s first pro league tampok din ang 151-95 panalo ng Rain or Shine kontra sa Blackwater noong nakaraang Commissioner’s Cup.

Angat sa 7-4 ang mga bataan ni head coach at Pampanga Vice Governor Dennis “Delta” Pineda kasalo ang TNT papasok sa huling duwelo nila bu­kas para matukoy ang final rankings sa Group A kasama ang kumpletong cast ng NLEX (9-2) at San Miguel (8-3).

“It’s a very important game on Sunday ka­ya binigya namin ng kumpiyansa lahat ng pla­yers nga­yon,” ani Pineda.

Isa lang ang hindi nakaiskor sa 15 manlalaro ng Converge sa pangu­ngu­na ni import Cameron Clark na may 32 points.

Nagliyab sa 49 points si Kobey Lam tampok ang apat na tres at tatlong 4-pointers subalit kapos pa rin para sa Giant Pandas (2-10).

Show comments