Ateneo isusunod ng Uste

MANILA, Philippines — Ganadong ma­­ki­pag­banggaan ang Uni­versity of Sto. Tomas kontra sa Ate­neo de Mani­la University dahil sa balwarte nila ang bakbakan sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament.

Ngayong alas-5:30 ng hapon maghaharap ang Growling Tigers at Blue Eagles sa UST Quadricentennial Pavilion sa Espana, Manila.

Magtatapat naman ang University of the Philippines Fighting Maroons at University of the East Red Warriors sa alas-2:30 ng hapon.

Impresibo ang inilaro ng UST noong Miyerkules dahil winakasan nila ang four-game winning streak ng Far Eastern University matapos ilista ang 81-69 pa­nalo.

Nakikisiksik ang UST sa four-way tie sa No. 4 spot kasama ang Adamson University, Ateneo at de­fending champion De La Salle University sa mag­kakatulad nilang 3-3 ba­raha.

Muling sasandalan ng Growling Tigers sina Mark Llemit, Collins Akowe at Rookie Andrew Chio para ikadena ang pangalawang sunod na panalo.

Para sa Blue Eagles, pa­kay nila na tuldukan ang two-game losing skid para makabalik sa porma at manatiling malaki ang tsansa na makausad sa susunod na yugto.

Show comments