^

PM Sports

RHJ pasikat agad

John Bryan Ulanday - Pang-masa
RHJ pasikat agad
Ang acrobatic shot ni TNT Tropang 5G import Rondae Hollis-Jefferson kontra sa isang Macau defender.
PBA Image

MANILA, Philippines — Maugong ang na­ging pagbabalik ni reig­ning Best Import Rondae Hollis-Jefferson matapos trangkuhan ang kampeon na Talk ‘N Text sa biga­ting 142-87 tagumpay kontra sa Macau sa PBA Season 50 Governors’ Cup kaha­pon sa Ninoy Aquino Stadium.

Kumamada ng 22 puntos, 6 rebounds, 5 assists at 2 steals si Hollis-Jefferson sa 22 minutong aksyon lang para sa unang salang niya sa halos isang taong pahinga dahil sa Achilles injury.

Pinalitan ng 3-time Best Import at 3-time PBA champion si Nick Hornsby na 2 laro lang sumabak para sa Tropang 5G.

Sa kabuuan ay si Hollis-Jefferson ang ikaapat na TNT import ngayong conference matapos sina Darius Days at ang kapatid niyang si Rahlir Hollis-Jefferson.

At halos walang kupas si RHJ sa kabila ng matagal na pagkakatengga nang banderahan ang mga bataan ni coach Chot Reyes sa 64-40 bentahe sa halftime tungo sa 55-puntos na tagumpay.

“Well, ever since naman ang plano talaga namin for the playoffs is si Rondae. Now we found an opportunity to ease him in slowly instead of playing him two games ago pa. It’s a low-risk game for us as we know ang next game namin ay Converge so ayaw namin ilaro si Rondae at Poy (Erram) na ganoon na agad kalakas ang kalaban,” ani Reyes.

Ito na ang ikatlong pina­katambak na panalo sa kasaysayan ng Tropang 5G matapos ang 138-78 panalo ng NLEX kontra sa parehong koponan noong nakaraang linggo at 151-95 panalo ng Rain or Shine laban sa Blackwater noong Commissioner’s Cup.

Ngayon, nakatulong ni RHJ sina Calvin Oftana, Poy Erram at Kim Aurin na may 28, 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

May ambag ding tig-11 puntos sina Jordan Hea­ding, Henry Galinato at Jio Jalalon para sa Tropang 5G na sigurado na sa Top 4 ng Group A at crossover quarterfinals hawak ang 74 kartada.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with