Lyceum kinaldag Perpetual
MANILA, Philippines — Inakbayan ni Matthew Rubico ang Lyceum of the Philippines University upang tuldukan ang kanilang four-game losing streak matapos kalusin ang University of Perpetual Help System DALTA, 98-89, kahapon sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil sa San Juan.
Sinindihan ni Rubico ang nag-aapoy na opensa ng Pirates sa fourt quarter upang makuha ang mahirap na panalo at ilista ang 2-5 karta sa Group A.
Tumikada si Rubico ng 21 points, pitong rebounds at apat na assists para sa Intramuros-based squad na ipinalasap sa Altas ang pang-limang kabiguan sa pitong laro.
“Nakuha namin ‘yong game na ‘to, ‘di dahil sa’kin [lang]. It was a collective effort. Ilan din ‘yong nag-double digits sa amin, nag-step up ‘yong mga kailangan mag-step up,” ani Rubico. “Mahirap ‘pag nagtatalo kaya kailangan namin trabahuhin ‘to.”
Matapos angkinin ng Altas ang first quarter dahil lamang sila ng dalawang puntos, 23-21 ay biglang naging mabangis ang Pirates sa second canto nang agawin nila ang bentahe, 46-50 sa halftime.
Patuloy ang mainit na labanan ng dalawang koponan sa third period kaya naman hindi pa rin nagkalayo ang iskor kung saan ay lamang ang LPU, 70-66 papasok ng fourth period.
Sa unang laro, isinalpak ni Basti Valencia ang panelyong dalawang puntos upang akbayan ang Arellano University sa mahirap na 56-55 panalo kontra defending champion San Beda University.
Tumikada si Valencia ng pitong puntos at pitong rebounds para sa Arellano na nasolo ang top spot sa Group B ng team standings tangan ang 5-3 baraha.
- Latest















