Alyssa papalo sa Thailand
MANILA, Philippines — Dadalhin ni Alas Pilipinas opposite spiker Alyssa Solomon ang husay nito sa Thailand matapos pumirma ng kontrata para maglaro sa Thailand Volleyball League.
Maglalaro ang dating National University standout para sa Nakhon Ratchasima 3M Films volleyball club na defending champion sa naturang Thai league.
Pormal nang inihayag ng kampo ni Solomon ang magandang balita kung saan inaasahang malaki ang maitutulong nito sa kampanya ng Nakhon Ratchasima.
Si Solomon ang ikatlong Pinay player na maglalaro para sa powerhouse Nakhon Ratchasima.
Pinakahuling naglaro sa naturang team si middle blocker Celine Domingo.
Nagsuot na rin ng Nakhon Ratchasima jersey noon si opposite spiker Mylene Paat noong 2021-2022 season.
Malalim na rin ang karanasan ni Solomon na naglaro na rin bilang import sa Japan noong nakaraang season.
Kasama si Solomon ng Osaka Marvelous sa Japan V.League bago bumalik sa Pilipinas para makasama ang Alas Pilipinas sa paghahanda sa mga international tournaments.
Makailang ulit na rin itong naging Bes Opposite Spiker sa SEA V.League kasama ang Alas Pilipinas.
- Latest






















