^

PM Sports

Eala ready na sa Wuhan Open

Chris Co - Pang-masa
Eala ready na sa Wuhan Open
Alex Eala
STAR / File

MANILA, Philippines — Makakasagupa ni Alex Eala ang isang qualifier sa first round ng Wuhan Open na ginaganap sa Wuhan, China.

Wala pang pangalan ang makakalaban ni Eala sa first round.

Matatapos ang qualifying round Linggo ng gabi kung saan malalaman na ang makakalaban ni Eala sa opening round.

Kung papasok si Eala sa second round, posible nitong makaharap mananalo kina Russian netter Ekaterina Alexandrova o Singapore Open champion Leylah Fernandez.

Hindi ito ang unang paghaharap nina Eala at Alexandrova.

Nagtagpo na ang dalawa sa quarterfinals ng Abu Dhabi Open noong Pebrero sa United Arab Emirates kung saan nanalo si Alexandrova sa iskor na 6-3, 6-3.

Sa kabilang banda, nag­harap na sina Eala at Fernandez ng dalawang beses.

Nanalo si Fernandez sa kanilang unang paghaharap, 6-1, 6-4, sa Round of 32 ng Stuttgart Open sa Germany noong Abril.

Nakaresbak si Eala nang pataubin nito si Fernandez sa Mubadala DC Open sa Washington D.C. sa Round of 16 sa pamamagitan ng 6–2, 7–6 (1) demolisyon.

Muli namang magtatambal sina Eala at kaibigang Zeynep Sönmez ng Turkey sa doubles event.

Sasalang sina Eala at Sonmez ngayong araw laban kina Anhelina Kalinina at Dayana Yastremska ng Ukraine.

Nagsama na sina Eala at Sonmez sa Madrid Open sa Spain noong Mayo kung saan umabot ang dalawa sa second round.

Kaya naman excited na si Eala na muling makasama ang kaibigan nitong si Sonmez sa kanilang kampanya sa Wuhan Open.

Puspusan na ang paghahanda ni Eala para matiyak na nasa solidong kundisyon ito bago magsimula ang kaniyang kampanya sa Wuhan.

May ilang practice sessions na ito sa venue kasama ang kaniyang mga coaches at trainers para pag­handaan ang WTA tour­nament.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with