Olympic berths target ng Philippine boxers
MANILA, Philippines — Puntirya ng Pinoy boxing team na makasuntok ng tiket sa 2026 Olympic Games sa Los Angeles, California.
Sariwa pa ang boxing team sa kampanya sa Asian Games sa Nagoya, Japan kung saan isang pilak na medalya lamang ang naiuwi ng koponan.
Galing ito kay Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam na nagkasya sa pilak matapos matalo sa finals laban kay Rui Yamaguchi ng host Japan sa men’s 55kg division.
Kaya naman desidido ang boxing team na makaresbak upang makahirit ng tiket sa LA Olympics.
Unang lalahukan ng koponan ang 2027 World Boxing Championships sa Astana, Kazakhstan na gaganapin sa Abril.
Ito ang unang qualifying event para sa LA Olympics.
Nakalaan ang 44 na Olympic spots sa event.
May 14 weight classes ang paglalabanan.
Pito ang sa men’s division at pito rin sa women class.
Maliban kay Paalam, tatarget din ng tiket sa LA Olympics sina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial at sina Paris Olympics bronze medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas.
Maliban sa World Championships, tatlo pang events ang magiging qualifying tournament para sa LA Olympics.
Isa na ang Asian Boxing Championships sa China at dalawa pang world qualifying tournaments na gaganapin naman sa 2028.
- Latest















