^

PM Sports

Solong liderato target ng Heavy Bombers

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiyak na magsisikap ang Jose Rizal University para makuha ang panalo laban sa Mapua University sa pagharap nila sa  NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa Playtime FilOil sa San Juan City ngayong araw.

Ito’y dahil nais nilang upuan ang solo top spot sa Group A ng team stan­dings.

Kasalukuyang nakasiksik sa three-way tie sa unahan ang Heavy Bom­bers, kasalo nila ang defending champions San Beda University Red Lions at College of Saint Benilde Blazers tangan ang tig-8-3 baraha.

Mag isa naman sa una­han sa Group B ang Letran na may katulad na 8-3 card.

Dumaan sa butas ng karayom bago nakuha ng JRU ang pang walong panalo matapos nilang kalusin ang Lyceum of the Philippines University, 81-78 noong Oktubre 27.

Sasandig ang JRU kay Sanlea Penaverde sa pagsi­mula ng kanilang laro ng Cardinals sa alas-5 ng hapon pagkatapos ng bakbakan sa pagitan ng Arellano University at San Sebastian College-Recoletos sa alas-3 ng hapon.

Laglag ang Cardinals sa ika-apat na puwesto sa Group A pasan ang 6-5 kartada.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with