^

PM Sports

Ateneo itutumba ng UP

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling ipaparada ng University of the Philippines sina Nigerian center Francis Nnoruka, bagitong Veejay Pre at Arvie Poyos sa pagharap nila sa determinadong A­teneo de Manila University sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.

Nais ng Fighting Maroons na ikadena ang pangalawang sunod na panalo sa pagsimula ng kanilang bardagulan ng Blue Eagles sa alas-5:30 ng hapon, maghaharap naman sa alas-3 ng hapon ang National University at University of the East.

Pinamunuan ni Nnoruka ang opensa para sa UP ng talunin nila sa pahirapang labanan ang University of Sto. Tomas, 92-85 noong Setyembre 13, nagtala ito ng double double na 18 points at 12 rebounds.

Malaking parte rin sa panalo ng UP ang newcomers na sina Pre at Poyos kung saan ay sinandalan sila sa bandang dulo ng laban para tulungan ang koponan na ilista ang 1-0 card.

Pero tiyak na mapapalaban muli ng todo ang Fighting Maroons dahil bukod sa ganadong maglaro ay misyon din ng Blue Eagles na sikwatin ang pangalawang sunod na panalo.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with