^

PM Sports

Dinastiya itataya ng NU sa SSL Unity Cup

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itataya ng National U ang dinastiya nito kontra sa 16 na karibal sa nalalapit na pagbubukas ng pinakamala­king edisyon ng Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup simula sa Setyembre 25 sa Rizal Memorial Coliseum.

Bukod sa UAAP champion na La Salle, 6 mula sa UAAP at lahat ng 10 koponan naman mula sa NCAA ang  susubok na humamon at pigilan ang tangka ng Lady Bulldogs na maisukbit ang ikalimang sunod nilang korona bilang reyna ng prestihiyosong pre-season collegiate league.

Babandera ang NU sa Pool A kasama ang San Beda, Arellano, University of Perpetual Help System Dalta at NCAA champion na Letran habang bida sa Pool B ang dating runner-up at SSL National Invitationals champion na UST kasama ang College of Saint Benilde, Jose Rizal University at Mapua University.

Magkakabuhol naman sa Pool C ang Far Eastern U, Ateneo, Emilio Aguinaldo College at San Sebastian College-Recoletos habang kukumpletuhin  ng Adamson University, University of the Philippines, Lyceum of the Philippines University at University of the East ang Pool D ng 17-team Season 5 ng SSL.

Pinalaking premyo at bagong video challenge system ang ipaparada ng SSL sa huling conference ng 2026 calendar nito matapos ang Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (GVIL) at National Invitationals na parehong pinag-reynahan ng UST.

Mula sa normal na video challenge system, i-implementa rin ng SSL ang bagong animated replay visualization para sa mas mabilis, detalyado at klarong kuha sa mga krusyal na challenges ng laban simula sa second round.

Sisiklab ang mga laro sa Setyembre 25 subalit nakatakda ang opening ceremony sa Setyembre 26 tampok ang kauna-unahang pep rally ng 17 koponan na bibigyan ng donasyon ng SSL sahog pa ang libreng ticket at pizza sa 100 ng kada unibersidad.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with