Grigsby vs Barkley
Hindi masama ang ipinakita ni Riley Grigsby sa kanyang PBA debut, bilang pansamantalang sub kay Justin Brownlee.
Kumamada siya ng 42 points at 13 rebounds, pero kulang sa tulong kaya’t dapa ang Barangay Ginebra sa Phoenix, 81-78, sa kanilang laro sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo.
Actually, may pag-asa pa ang Gin Kings na ipanalo ang laro sa endgame, pero sablay si Jeremiah Gray mula sa four-point arc.
Kasama ni Brownlee na absent si Scottie Thompson.
Ang masama nito, sumabay pa ang baldog na shooting nina RJ Abarrientos (3-of-16), Troy Rosario (2-of-7), Japeth Aguilar (0-of-1) at Stephen Holt (0-of-3). Si Gray ang local top scorer na may nine points.
May tatlong three-pointers at one four-ball si Grigsby – pruweba na may tirada sa labas ang 26-year-old NBA G League veteran.
Ngayong gabi ang pangalawang test ni Grigsby sa pakikiharap ng Gin Kings sa Blackwater Bossing, 7:30 p.m. sa Big Dome.
Solid ang Blackwater import na si Kantrell Barkley, nanguna sa paghatid sa Bossing sa 2-0 conference start.
Tinambakan nila ang Rain or Shine, 131-108, at pinadapa ang Magnolia, 89-81, bago kagyat na natalo sa Meralco, 114-116.
Magkakasukatan ngayon sina Grigsby at Barkley. At malamang na ang matchup nila ang malaking susi sa laban.
May Sedrick Barefield at RK Ilagan na alalay si Barkley. At kailangan mag-step up nina Abarrientos, Holt, Aguilar at Rosario para tulungan si Grigsby na mabunot ang unang panalo sa PBA.
- Latest






















