SMB redemption
Galing sa maagang salengkwang last conference, balik aksyon ang San Miguel Beer – kasahog si import George King na minsan ay nagpasabog ng 64 points para sa Blackwater.
Sisimulan ng SMB ang kanilang PBA Season 50 Governors’ Cup campaign ngayong gabi kontra Macau Giant Pandas sa Ynares Center-Antipolo. At inaasahan ang agad na pagdagundong ng mga Beermen sa pangunguna ni King.
Dahil sa masamang performance last conference – kung saan pinadapa sila ng Rain or Shine, 113-104, sa quarterfinals – walang dudang nagngingitngit sina coach Leo Austria at tropa na burahin ang pangit na memorya sa kanilang isipan.
Piso tamang barko: Nasa itaas ng Group A standings ang San Miguel sa pagtatapos ng elims. At malamang na makasama nila sa Top 4 ang TNT, NLEX at Converge.
Puno ng armada sa bawat posisyon, lalo pang tumibay ang San Miguel sa pagkaka-recruit kay King.
Syempre, ibang story bakit binitawan ng Blackwater ang kanilang premyadong import.
Basta nasa San Miguel na si King – dala dala ang kanyang explosive game na isasahog sa solid local lineup na pinangungunahan nina June Mar Fajardo, CJ Perez, Chris Ross, Jericho Cruz, Marcio Lassiter, Moala Tautuaa at Don Trollano.
Sabi ng iba: Matanda na ang San Miguel crew.
So, pagpapatunay din, at hindi lang redemption ang habol ng SMB sa Season 50 Governors’ Cup.
Malas ng Macau Giant Pandas, sila ang unang makakaharap ng Beermen.
Kung mahaba ang kanilang gabi kontra NLEX noong Biyernes, malamang kaparehas ang naghihintay sa kanila Tuesday night sa Ynares-Antipolo.
- Latest





















