Jungkok idedepensa titulo sa Silver Cup

MANILA, Philippines — Puspusan na nagha­handa ang Jungkook para depensahan ang kanyang titulo sa paglarga ng 2026 PHILRACOM-PCSO “Silver Cup” na ikakasa sa pista ng Philippine J­ockey Club sa Padre Garcia, Ba­tangas sa Hulyo 6.

Isa ang Jungkook sa 13 tigasing kabayong nagsaad ng paglahok sa distan­syang 1,800 meter race.

Gagabayan ni jockey Pabs Cabalejo, makakatagisan ng bilis ng Jungkook ang mahuhusay na Midnight Bell, Vinalot Eyu, Transform at reig­ning Presidential Gold Cup Champion Don Julio.

Ang ibang nagsabi ng pagsali ay ang Basheirrou, Circus Crowd, Easy Does It, Ghost, Istulen Ola, Pine Noveau, Primavera at War Cannon.

Base sa komento ng mga karerista sa social media, inaasahang magbibi­gay ng magandang laban sa Jungkook ang Don Julio, Vinalot Eyu at Midnight Bell na sasakyan ni 2025 Philippine Sportswriters Association, (PSA) - J­ockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.

Nakalaan ang P4M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, inisponsoran ito ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ng PHILRACOM.

Impresibo ang pagkakapanalo ng Jungkook noong nakaraang taon nang irehistro nito ang 1:50. 8 minuto sa 1,800 meter race, sumegunda sa kanya ang dating PSA - Horse of the Year Batang Manda.

Show comments