^

PM Sports

Suka Boys sumagot

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

May kagandahan ang TNT-Meralco showdown pagalingan ng dalawang teams mula sa iisang stable.

Pero para sa marami, mas maganda ang Barangay Ginebra-Rain or Shine faceoff. Sigurado ang mainit na bakbakan sa hardcourt na malalahukan pa ng mga makulay na retorika mula sa dalawang beterano at premyadong coaches.

Ang tirada ni coach Yeng Guiao pagkatapos ng 115-111 escape win noong Wednesday series kickoff sa Ynares Center Antipolo, “Sino ba naman kami? Pinabili lang ng suka, nakarating sa semis.”

Hindi ito tanong na naghihintay ng sagot. Ito ay challenge sa kanyang players ? hamon na ikinabuhay nina Jaylen Johnson at teammates; nagpainit sa Rain or Shine para tumayo ng matatag sa pakikipaglaban.

Sa bandang huli, masaya ang yakapan upang iselebra ang magandang panalo.

At may panibagong tanong si coach Yeng: “Tignan natin kung hanggang saan kami makakarating.”

Valid naman ang kanyang retorika.

Sa kanyang pag-survey ng battleground, namasid siya si coach Tim Cone, ang GOAT coach na may championship ring sa bawat daliri; si Justin Brownlee, ang GOAT import na sangkaterba rin ang titulo; at halos kalahati ng Gilas Pilipinas na pawang nasa Ginebra dugout.

“Sino ba naman kami?”

Pero napaniwala ni coach Yeng ang kanyang team na hindi sa papel ipinapanalo ang giyera. Sa fourth quarter nagkakatalo kung saan patibayan ng dibdib ang laban.

Belief versus pedigree ? ito ngayon ang isang angle sa ROS-Ginebra duel.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with