Upside ni Upshaw
Hindi pa kumpletong sarado ang pintuan para sa Blackwater.
Pero kailangan i-sweep ang last three game versus Macau, Meralco at Converge para magkapag-asa sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals.
Kahit na talunan, marami ang bilib kay Blackwater import Robert Upshaw III.
Tingin ng marami, kung sa playoff contender nasama si Upshaw, mas malaking impact ang madadala niya sa PBA.
Seven-foot giant. Immovable force. Big with fine shooting touch. Giant who can shoot treys and fours.
‘Yan ang kanyang dala-dala sa hardcourt.
Pero dahil mahina ang local support, 2-5 ang kanyang win-loss record. Naunang nagsimula ang Blackwater 0-2 kasama ang original import na si Daniel Ochefu.
“Mahihirapan umabante sa playoffs, pero siguradong fixture na sa PBA ‘yan sa conference featuring imports with unlimited height,” ani Pareng Kandong Pabaya.
Mukhang wala naman siyang problemang ibinibigay sa Blackwater – unlike noong panahon niya sa college basketball kung saan dalawang beses siyang na-dismiss sa pag-violate ng team rules (sa Kansas State at Washington).
Lumipas na ang kanyang pinagdaanan na iyon. Inayos ang sarili kaya’t nalibot na ang mundo sa paglalaro bilang import.
Siguradong hindi niya basta isusuko ang laban ng Blackwater. Malamang na higante siyang problema para sa Black Knights, Bolts at FiberXers.
- Latest




















