Letran tatapusin ang St. Benilde
MANILA, Philippines — Pipilitin ng Colegio de San Juan de Letran na walisin ang nagdedepensang De La Salle-College of Saint Benilde sa Game Two ng NCAA Season 101 women’s volleyball championship series.
Hawak ang 1-0 lead sa kanilang best-of-three titular showdown, lalabanan ng Lady Knights ang Lady Blazers ngayong alas-2:30 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Tinalo ng Letran ang St. Benilde sa Game One, 17-25, 25-23, 20-25, 25-14, 15-11, kung saan humataw si Judiel Nitura ng 21 points.
Nauna nang winalis ng Lady Blazers ang Lady Knights sa kanilang title series sa nakaraang Season 99 at Season 100.
- Latest


















