^

PM Sports

Van Sickle, Galang tinarget ng Cignal

Russell Cadayona - Pang-masa
Van Sickle, Galang tinarget ng Cignal
Brooke Van Sickle
PVL images

MANILA, Philippines — Hindi man nakakuha ng mga bigating players mula sa nabuwag nang Petro Gazz at Chery Tiggo ay masaya na rin si Cignal coach Shaq delos Santos sa kanyang lineup.

Ilan sa mga tinarget ng Super Spikers ay sina Fil-Am Brooke Van Sickle ng Gazz Angels at Ara Galang ng Crossovers.

“To be honest, gusto rin namin kumuha ng additional players. Sino ba namang tatanggi sa mga ganung klaseng players, ‘di ba,” wika ni delos Santos matapos ang 25-17, 25-14, 25-11 pagwalis ng Cignal sa Galeries Tower sa pagbubukas ng 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference noong Sabado.

“Hindi kami nabigyan ng opportunity na makapag-add pa ng mga wing spikers,” dagdag nito.

Kaya naman patuloy na sasandigan ng Super Spikers sina Vanie Gandler, Erika Santos, Tin Tiamzon at setter Gel Cayuna sa kanilang kampanya.

“Malaking help sa amin ‘yun na intact ‘yung core namin. Nandu’n pa rin kami sa proseso na kung paano pa namin siya mas mabi-build pa,” sabi ni delos Santos.

“Hindi talaga kami ngayon mag-stop sa prosesong ito. Kung magiging mahirap, okay lang basta tuluy-tuloy lang kami sa ginagawa namin,” wika pa nito.

Tanging si veteran setter Ivy Perez ang idinagdag ng Cignal matapos bitawan si Judith Abil sa offseason.

Puntirya ng Super Spikers ang 2-0 panimula sa torneo sa pagsagupa sa Choco Mucho Flying Titans sa Pebrero 5 sa San Juan City venue.

BROOKE VAN SICKLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with