76ers hiniya ng Thunder

OKLAHOMA CITY —
Tinapos ng Oklahoma City (27-5) ang kanilang dalawang sunod na kabiguan sa mga kamay ng San Antonio Spurs.
Tumipa si Shai Gilgeous-Alexander ng 27 points, 5 assists at 2 steals habang may 14 markers at 6 assists si Jalen Williams.
Pinamunuan ni Tyrese Maxey ang Philadelphia (16-14) sa kanyang 28 points kasunod ang 13 markers ni Quentin Grimes habang nagtala si dating Oklahoma City star Paul George ng 12 points.
Naglaro ang 76ers na wala si injured starter Joel Embiid (ankle).
Mula sa 64-62 halftime lead ay kumawala ang Thunder sa third period kung saan sila umiskor ng 38 points para iposte ang 102-86 abante papasok sa fourth quarter.
Kumamada si Gilgeous Alexander ng 11 points sa nasabing yugto bago ipahinga sa fourth period.
Sa iba pang laro, sinapawan ng Los Angeles Clippers ang Detroit Pistons, 112-99; tinalo ng Toronto Raptors ang Golden State Warriors, 141-127; wagi ang Washington Wizards sa Memphis Grizzlies, 116-112; at panalo ang Los Angeles Lakers sa Sacramento Kings, 125-101.
Samantala, pinatawan ng NBA ng one-game suspension without pay sina New Orleans Pelicans six-foot guard Jose Alvarado at Phoenix Suns 7’1 center Mark Williams dahil sa kanilang suntukan noong Sabado.
- Latest
















