^

PM Sports

Bounce back win ng Chameleons

Russell Cadayona - Pang-masa
Bounce back win ng Chameleons

MANILA, Philippines — Bumalikwas ang Nxled mula sa naunang kabiguan matapos walisin ang Capital1 Solar Energy, 25-17, 25-23, 25-18, sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) On Tour kahapon sa Chavit Coliseum sa Vigan City, Ilocos Sur.

Humataw si Myla Pablo ng 17 points mula sa 12 attacks, apat na blocks at isang service ace sa pagbangon ng Chameleons mula sa naunang four-set loss sa Creamline Cool Smashers sa pagbubukas ng torneo noong Hulyo 8 sa Ilagan, Isabela.

“Iyong first game namin against Creamline ang dami naming mga errors talaga,” ani Pablo. “So ngayon talaga na-maintain iyong mga errors namin at sabi ng mga coaches namin is gawin lang namin iyong mga sinasabi nila sa game.”

Nagdagdag si Jonah Sabete-Escamillan ng 13 markers at 17 excellent digs, habang naglista si setter Gel Cayuna ng 17 excellent sets.

Hindi maglalaro si Fil-Am spiker Brooke Van Sickle sa kabuuan ng preseason tournament dahil sa kanyang pagrekober sa isang right shoulder injury.

Wala sa lineup ng Solar Spikers sina Alas Pilipinas pool members Bella Belen, Vanie Gandler at Erika Santos na naghahanda para sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan sa Setyembre.

Binuksan ng Nxled ang laro sa 5-0 patungo sa pagtatala ng isang 11-point lead para sa 25-17 paggupo sa Capital1 sa first set.

Pumalag ang Solar Spikers sa second set nang dumikit sa 23-24 mula sa hataw ni Khy Cepada bago umiskor si Sabete-Escamillan para sa 25-23 panalo ng Chameleons.

Lumamang din ang Nxled sa 16-12 sa third set na naputol ng Capital1 sa 18-20 sa likod nina Ysa Jimenez at Ypril Tapia.

Nagtuwang sina Pablo, Sabete-Escamillan at Fil-Am middle blocker MJ Phillips para sa 24-18 lead ng Chameleons, habang ang ace ni EJ Laure ang sumelyo sa kanilang panalo.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with