White, Brown bumida sa Celtics
BOSTON -- Nagpasabog si Derrick White ng season-high 33 points at dinuplikahan ang career-high na siyam na three-pointers para tulungan ang Celtics sa 129-116 pagpapalamig sa Miami Heat.
Nag-ambag si Jaylen Brown ng 30 points, 9 rebounds at 7 assists para tapusin ng Boston (16-11) ang kanilang two-game losing skid.
Humakot si center Kel’el Ware ng 24 points at 14 rebounds para sa ikaanim na kabiguan ng Miami (15-13) sa huling pitong laro.
Sa iba pang laro, pinatumba ng Minnesota Timberwolves ang nagdedepensang Oklahoma City Thunder, 112-107; panalo ang Philadelphia 76ers laban sa New York Knicks, 116-107; nilantakan ng San Antonio Spurs ang Atlanta Hawks, 126-98; at sinuwag ng Chicago Bulls ang Cleveland Cavaliers, 136-125.
- Latest


















