Team Philippines ready na sa 2025 SEAG

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang Team Philippines sa pagsabak sa parating na 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.
Naniniwala sina Philippine Sports Commisson (PSC) chairman Patrick ‘Pato’ Gregorio at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na mapapaganda ng mga national athletes ang fifth-place finish sa Cambodia SEA Games noong 2023.
Nakatakda ang biennial event sa Disyembre 9 hanggang 20.
Nag-uwi ang mga Pinoy athletes ng kabuuang 58 golds, 86 silvers at 116 bronzes.
“Binigay natin lahat para sa kanila, they are all equipped, they have all the arsenals they need to compete, to win and get the much-needed gold for our country. So this SEA Games will boost our confidence,” sabi ni POC secretary-general Atty. Wharton Chan sa send-off ceremony para sa delegasyon sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.
Dumalo rin sa okasyon si Senator Bong Go.
Kapwa nangako ng bonus sina Gregorio at Tolentino para sa mga atletang mag-uuwi ng gold medal mula sa 2025 SEA Games.
Ang 1,168 atleta ang pinakamalaking Philippine delegation na lalahok sa SEA Games history.
Makikipaglaban sa gintong medalya ang mga atleta sa 50 sports at makakasama ang halos 500 officials, coaches at staff.
Pinamunuan ni Agatha Wong, ang five-time SEA Games wushu gold medalist, ang mga national athletes sa kanilang ‘message of commitment’.
Bago pa man ang opening ceremony sa Disyembre 8 ay sasabak na sa labanan ang mga national athletes sa football at polo events.
- Latest
















