^

PM Sports

Jaja mainit sa Japan SV.League

Chris Co - Pang-masa
Jaja mainit sa Japan SV.League
Jaja Santiago
PVL image

MANILA, Philippines — Umarangkada agad si Jaja Santiago sa unang pagsalang nito kasama ang bagong team nitong Denso Airybees sa 2025-26 Japan SV.League.

Hataw ang middle blocker na si Santiago para buhatin ang Denso Airybees na makuha ang 25-21, 25-17, 25-22 panalo sa Toray Arrows.

Matikas ang kamada ni Santiago mula opensa hanggang depensa kung saan ilang matatalim na quick plays ang pinakawalan nito kasama pa ang solidong blocking.

Nagtala si Santiago ng kabuuang 14 puntos mula sa 11 attacks at tatlong blocks para sa 61.11 efficiency rating.

Itinanghal na Player of the Game si Santiago kung saan nagpasalamat ito sa mga sumusuporta sa kanya sa wikang Japanese.

Muling makakalaban ng Airybees ang Toray sa kanilang sunod na laro.

Sa kabilang banda, nasilayan na sa aksyon si dating National University opposite hitter at Alas Pilipinas standout Alyssa Solomon para sa Osaka Marvelous.

Subalit hindi naging maganda ang debut ni Solomon matapos matalo ang Osaka Marvelous sa Victorina Himeji sa iskor na 25-17, 26-28, 25-23, 22-25, 11-15.

Pumasok sa laro si Solomon sa second at third sets kung saan isang puntos lamang ang nagawa nito.

Hindi naglaro si Solomon sa unang laro ng Osaka Marvelous kung saan lumasap ang kanilang tropa ng 19-25, 25-21, 21-25, 10-25 kabiguan sa Himeji.

Makakalaban naman ng Marvelous ang Aranmare Yamagata sa kanilang sunod na laro.

JAJA SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with