^

PM Sports

Speed Dancer aabangan sa Maiden Race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pitong mahuhusay na kabayo ang magtatagisan ng bilis sa 3-Year-Old Maiden race (Placer) na ilalarga ngayon sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Nasa listahan ng mga paparada sa pista ang Speed Dancer na rerendahan ni Jockey Pabs Cabalejo at Black Prism na sasakyan ni JB Guerra.

May distansyang 1,400 metro, ang iba pang kalahok ay ang Swift Zingy, Lady Of Sipocot, Seven Cycles, Mount Citadel at High Speed sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (Philracom).

Nasisipat ng mga karerista ang posibleng pagpapakitang gilas ng magka-kuwadrang Lady Of Sipocot at Swift Zingy na gagabayan nina MB Pilapil at CM Pilapil, ayon sa pagkakasunod.

“Tiyak na magpapasiklab ang kalahok na Lady Of Sipocot at Swift Zingy medyo batak na sila sa laban kaya malaki ang tsansa nilang manalo,” sabi ng beteranong kareristang si Rommel Mancenido.

Hahamigin ng winning horse owner ang P15,000 added prize.

Samantala, pitong ka?era ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) bukas kaya paniguradong maagiging masaya ang paglilibang ng mga karerista. 

Isa sa mga aabangan ay ang bakbakan ng siyam na kabayo sa Philarcom Racing Based Handicapping System na pareho rin ang distansya ng paglalabanan.

Ang mga makikipag-unahan ay ang Noble Pro?ise, Gugma, Lake Skywalker, Animo La Salle, Yes Tinee, Sebrything, Matikas, Loboc River at Coal Digger.

RACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with