Alyssa kinilig sa American setter
MANILA, Philippines — Saludo si American setter Micah Christenson sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy fans hindi lamang sa Team USA maging sa lahat ng teams na naglalaro sa 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship.
Ramdam na ramdam ni Christenson ang suporta ng mga Pilipino dahilan upang ganahan ang Team USA na mabilis na inilampaso ang Colombia, 25-20, 25-21, 25-14, sa kanilang unang laro kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“It’s always so special for us. It’s almost like, we don’t expect any extra support, and I have been here for two years in a row now, and it’s always an overwhelming support in the best way possible,” ani Christenson.
Kabilang sa mga pinuri nito si Creamline team captain Alyssa Valdez na nanguna sa pagpaparamdam sa Filipino hospitality.
“She’s been super kind in terms of ‘if there’s anything you guys need, we’re here to help out,” ani Christenson kay Valdez.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkita sina Christenson at Valdez.
Matatandaang nagkrus na ang kanilang landas nang maglaro rin ang Team USA sa Volley Nations League sa MOA.
“That’s just like an embodiment of the Filipino culture just being so kind and generous,” dagdag ni Christenson.
- Latest
















