No time to celebrate
Dahil sa semifinal finish sa PVL on Tour, kasama sa reward ng PLDT, Chery Tiggo, Creamline at Cignal HD ang playing stint sa 2025 PVL Invitational Conference.
Agad na sisikad ang Invitational sa Huwebes, at habol ng PLDT High Speed Hitters ang follow-up championship kasunod ng kanilang breakthrough title run sa “On Tour”.
Pero kasama ng Chery Tiggo, Creamline at Cignal ang dalawang Japanese squad na haharang sa dream second hit target nina Mika Reyes at ng kanyang PLDT teammates.
Maanghang na sahog ang inaasahang iko-contribute ng Kurashiki Ablaze at Kobe Shinwa University sa tournament.
Dagdag asim din ang pagbabalik ng mga Alas players sa kanilang PVL mother teams.
Ibig sabihin, available na uli si Dell Palomata para sa PLDT, si Jen Nierva sa Chery Tiggo, si Dawn Catindig para sa Cignal at si Jia de Guzman para sa Creamline.
Early rematch sa pagitan ng PLDT at Chery ang 6:30 p.m. mainer sa Huwebes sa Philippine Sports Arena, susundan ang 4 p.m. Cignal-Creamline tiff.
Sa Sabado unang mapapanood ang kisig ng dalawang guest teams. Maghaharap ang Kurashiki at Kobe Shinwa sa 4 p.m. main setto.
Kaya’t halos walang oras ang High Speed Hitters para sa championship celebration.
Kayod agad ang tropa ni coach Rald Ricafort.
- Latest


















