Gregorio ipinalit kay Bachmann sa PSC
MANILA, Philippines — Iniluklok si rowing association president Patrick Gregorio bilang bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) kapalit ni Richard “Dickie” Bachmann.
Ang 57-anyos na si Gregorio, itinatag ang sports marketing arm ng Smart Communications Inc. at nagsilbing PBA chairman noong 40th season, ang magiging ika-13 chairman ng PSC.
Sinasabing noong Oktubre pa ikinunsidera ng Malacañang si Gregorio na ipalit kay Bachmann.
Sisimulan niya ang kanyang trabaho sa sports agency sa Martes.
Bilang pangulo ng Philippine Rowing Association (PRA) ay naisalang ni Gregorio sa Olympic Games sa unang pagkakataon sina lady rower Joanie Delgaco (2024, Paris) at Cris Nievarez (2020, Tokyo).
Siya rin ang naging Chef De Mission sa 2024 Paris Olympics na nagtampok sa makasaysayang double gold medal ni gymnast Carlos Edriel Yulo.
Binuo ni Gregorio ang kanyang sports management firm na Duckworld PH na nagsagawa ng matagumpay na Tour of Luzon 2025.
- Latest



















