^

PM Sports

Putback ni Murray nagpanalo sa Kings

Pang-masa
Putback ni Murray nagpanalo sa Kings
Ang game-winning putback ni Keegan Murray ng Sacramento Kings laban sa tatlong Boston Cel­tics defenders.

SACRAMENTO, Calif. — Isinalpak ni Keegan Murray ang isang putback laban sa tatlong kalaban sa huling limang segundo ng laro para sa 97-96 pagtakas ng Kings kontra sa Boston Celtics.

Tinapos ng Sacramento (2-14) ang kanilang eight-game losing slump para sa una nilang home win ngayon season.

Naglista si Murray ng 15 points at 12 rebounds, habang kumamada si Acuff Jr. ng 21 points, anim na rebounds at walong assists.

Hindi naglaro para sa Boston (11-5) sina key players Jayson Tatum (rest), Derrick White (shoulder) at Mitchell Robinson (illness).

Naiwanan sa 95-96 agwat sa huling 11.8 segundo ng fourth quarter, mintis ang salaksak ni Acuff Jr. na nagresulta sa putback ni Murray para sa one-point advantage ng Kings.

Nagkaroon ng tsansa si Payton Pritchard na maipanalo ang Celtics, ngunit mintis ang kanyang 20-footer sa pagtunog ng final buzzer.

Sa iba pang laro, wagi ang San Antonio Spurs sa New Orleans Pelicans, 114-91; panalo ang Dallas Mavericks sa Los Angeles Clippers, 110-100; lusot ang New York Knicks sa Portland Trail Blazers, 97-96; at wagi ang Minnesota Timberwolves sa Memphis Grizzlies, 104-95.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with