^

PM Sports

Finals ikakasa na ng Lady Blazers

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang Mapua University bago maka-u­sad sa championship round.

Ito’y dahil kailangan nilang talunin ng dalawang beses ang defen­ding champion College of Saint Benilde sa semifinals ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na lalaruin sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan ngayong araw.

Magsisimula ang bakbakan ng Mapua U at CSB sa alas-2:30 ng hapon.

May tangan na twice-to-beat advantage ang Lady Blazers dahil nakopo nila ang top seeding pagkatapos ng double round robin eliminations, tangan ang 16-2 karta habang No. 4 ang Lady Cardinals, (11-7).

Mabibiyayaan ng bonus ang top two teams pagkatapos ng 10-team eliminations, napunta sa Letran (No. 2) na may 15-3 ang pangalawang incentive, makakalaban nila sa semis ang No. 3 Arellano University (12-6).

Inaasahang ipaparada ng Intramuros-based squad sina Raissa Janel Ricablanca, Alyan Nicole Ong, Freighanne Seanelle Garcia at Gregchelle Grace Cabadin para itapat sa pambato ng Lady Blazers.

Kailangan magdoble kayod ang Lady Cardinals upang masikwat ang panalo at makahirit sila ng do-or-die Game 2.

Para sa Lady Blazers, nasa kukote naman nila na tapusin na agad ang laban upang makasampa na sa championship round at makapagpahinga ng mahaba.

Sina Zamantha Nolasco at Rhea Mae Densing ang pangunahing sandata ng Lady Blazers sa opensa.

MAPUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with