^

PM Sports

Eala tutok na sa clay season

Chris Co - Pang-masa
Eala tutok na sa clay season
Alexandra Eala of the Philippines reacts at match point after defeating Iga Swiatek of Poland on Day 9 of the Miami Open at Hard Rock Stadium on March 26, 2025 in Miami Gardens, Florida.
Al Bello / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines — Nakalinya na ang mga clay tournaments na nakatakdang salihan ni Alex Eala na bahagi ng preparas­yon nito para sa prestihiyosong French Open.

May tatlong torneo pa ang nadagdag sa listahan ng mga lalahukan ni Eala.

Ito ay ang WTA 1000 Madrid Spain/WTA 125 Vich Spain sa Abril 28 hanggang Mayo 4 sa Spain gayundin sa WTA 1000 Rome Italy sa Mayo 5 hanggang 11 sa Rome, Italy.

Nakalinya pa ang WTA 1000 Rome Italy/ WTA 125 Parma Italy sa Mayo 12 hanggang 18 bilang final tuneup nito bago ang French Open sa Mayo 25 hanggang Hunyo 8.

Nauna nang nakalinya ang 2025 Oeiras Ladies Open na idaraos sa Abril 14 hanggang 20 sa Portugal kung saan top seed ang 19-anyos Pinay netter.

Matapos ang Portugal event, tutulak na ito sa Madrid, Spain para sa Mutua Madrid Open sa Abril 21 hanggang 27.

“Of course, I’m excited for the Grand Slams ahead, Roland Garros,” ani Eala.

Dahil sa kanyang mataas na ranking, hindi na daraan pa sa qualifying round si Eala na kasalukuyang No. 73 sa world rankings.

“I know that I will be in the main draw. So I’m very excited about that. My first time to be in the main draw. So it’s a new experience and everything to gain,” dagdag ni Eala.

Sa portugal, mapapalaban si Eala kontra kina Katie Volynets ng Amerika, Elisabeta Cocciaretto ng Italy, Anna Bordar ng Hungary, Viktoria Golubic ng Switzerland, Yuan Ye ng China, Nuria Parrizas Diaz ng Spain at Sorana Cirstea ng Romania.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->