Junior Altas, Greenies unahan sa 1-0 lead
MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng University of Perpetual Help System DALTA at ng College of St. Benilde-La Salle-Greenhills ang 1-0 lead sa NCAA Season 100 juniors basketball championship series.
Magtutuos ang Junior Altas at Greenies ngayong alas-2:30 ng hapon sa Game One ng kanilang best-of-three titular showdown sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City
Sinibak ng No.1 Perpetual ang No. 4 San Beda, 96-87, sa Final Four habang dalawang beses tinalo ng No. 3 St. Benilde-LSGH ang No. 2 at back-to-back champions Letran, 78-74 (overtime) at 78-77, para itakda ang kanilang title series.
Kapwa nagbitbit ang Junior Altas at Squires ng ‘twice-to-beat’ advantage sa semifinals kontra sa Red Cubs at Greenies, ayon sa pagkakasunod.
Nadiskaril ang hangad sanang pagbawi ng Perpetual sa Letran na tumalo sa kanila sa Season 99 Finals.
Hangad ng tropa nina coach Joph Cleopas at school owner Dr. Tony Tamayo ang kauna-unahan nilang NCAA crown simula nang sumali sa liga noong 1984.
- Latest