Kings nagpalakas sa play-in spot
CLEVELAND — Bumanat si Zach LaVine ng 37 points para banderahan ang Sacramento Kings sa 120-113 pagsapaw sa Cavaliers at palakasin ang tsansa sa play-in spot.
Nagdagdag si DeMar DeRozan ng 28 points kasunod ang 27 markers ni Domantas Sabonis para sa pag-akyat ng Sacramento (38-40) sa ninth place sa Western Conference.
Pinamunuan ni Ty Jerome ang Cleveland (62-16) sa kanyang 20 points at may 19 markers si Donovan Mitchell.
Tinapos ng Kings ang three-game winning streak ng Cavaliers na tatayong top seed sa Eastern Conference playoffs.
Kinuha ng Cleveland ang 106-105 abante sa huling limang minuto sa fourth period bago naghulog ang Sacramento ng isang 13-5 bomba para agawin ang panalo.
Sa Boston, naglista si Luke Kornet ng 13 points at 14 rebounds sa 124-90 panalo ng nagdedepensang Celtics (58-20) sa Washington Wizards (17-61).
Sa Oklahoma City, nagkadena si Luka Doncic ng 30 points, 7 rebounds at 6 assists sa 126-99 panalo ng Los Angeles Lakers (48-30) sa Thunder (64-14).
Sa Charlotte, kumamada si Coby White ng 37 points sa 131-117 pagsuwag ng Chicago Bulls (36-42) sa Hornets (19-59).
Sa Atlanta, kumabig si Onyeka Okongwu ng 27 points at 12 rebounds at nagsumite si Trae Young ng 23 points at 15 assists sa 147-134 pagdagit ng Hawks (37-41) sa Utah Jazz (16-63).
- Latest