Akari nakauna sa Galeries Tower sa serye
MANILA, Philippines — Tinasakan ng Akari ang Galeries Tower, 21-25, 25-19, 20-25, 25-16, 15-11, sa Game One ng kanilang quarterfinals series sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Humampas si Ivy Lacsna ng 28 points mula sa 22 attacks at anim na blocks para sa 1-0 bentahe ng Chargers sa kanilang best-of-three quarterfinal showdown ng Highrisers.
Maaari nang tapusin ng Akari ang Galeries Tower sa Game Two sa Huwebes papasok sa semifinals round.
Nagdagdag si Eli Soyud ng 19 markers buhat sa 18 attacks at isang service ace, habang may 10 points si Grethcel Soltones para sa Chargers.
“Sobrang grabe ‘yung training namin, pero ‘yun, nagbunga naman today,” sabi ni Soyud.
Pinamunuan ni Jewel Encarnacion ang Highrisers sa kanyang 18 points at may 17, 13 at 11 markers sina France Ronquillo, Ysa Jimenez at Roselle Baliton, ayon sa pagkakasunod.
Bumangon ang Akari mula sa 1-2 agwat sa Galeries Tower para makatabla sa fourth set, 25-16, sa pagbibida ni Lacsina.
Sa fifth frame ay kinuha ng Chargers ang 7-5 abante bago nakadikit ang Highrisers sa 10-11.
Nagtuwang sina Lacsina at Fifi Sharma para sa 4-1 atake ng Akari at tuluyang tapusin ang Galeries Tower.
- Latest