No. 17: 4-9-16
Patay na ang apoy ng 20th Asian Games cauldron.
Tumapos ang Team Philippines No. 17 sa medal race, nanalo ng four golds, nine silvers and 16 bronzes.
Syempre – gaya ng tuwina – may satisfied at natuwa, at may nakulangan at nangangantiyaw.
Ang numero – 4-9-16 – pinakamalaking medal haul ng Team Phl since 1962 Jakarta (7-6-24).
Mahirap timbangin kung alin ang mas mabigat dahil iba ang kondisyon noon kumpara ngayon.
Facts: Jakarta – 1,460 athletes, 16 countries, 360 medals from 120 events in 13 sports. Nagoya – 15,000 athletes, 45 countries, 1,407 medals from 469 events in 43 sports.
Jakarta – labing-anim na bansa ang kailangan talunin. Nagoya – 44 ang kalaban na kailangan talunin.
Jakarta – pinaalis ang Israel at Taiwan. Nagoya – nandiyan ang China, Japan, South Korea, Iran, India, Kazakhstan at Uzbekistan dala ang professional program at malaking pondo ng gobyerno.
Iba pang kaibahan — Kasali ang mga pros ngayon. Specialized dahil kasama ang mga sports na world No. 1 ang Asia – table tennis, badminton, wushu, esports, climbing, etc.
Qualifying? Dati, kasama kapag napili ka ng POC. Ngayon, sa maraming events, kailangan dumaan sa Asian rankings at qualifying windows para makasakay ng eroplano pa-Nagoya.
Sa ganang akin, noon at ngayon, pag nag-medal ka eh best in Asia ka.
Double-medal winners si Carlos Yulo at Jeus Yape. At may 25 iba pang Filipino athletes ang sumungkit ng medals.
Ang mga natalo eh nagsakrispisyo, nagpunyagi pero kinulang.
Saludo ako sa lahat.
- Latest






















